Lucenahin ayaw turukan ng tulog!
“Ay hindi po ako papayag trespassing na po yun, papasukin ako sa loob ng bahay iba na pong usapan yon.” Ito ang naging reaksiyon ni Maricel na isang Lucenahin sa eksklusibong panayam ng Bandilyo.ph matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga otoridad na hanapin ang mga indibidwal na magmamatigas pa rin na huwag o ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at bakunahan ang mga ito habang natutulog.
Hindi rin sang-ayon ang ilan pang mamamayan sa lungsod sa pahayag na ito ng Pangulo gaya ni Aling Josephine, “ay ayaw ko ng tulog baka hindi na ako magising.”
Sinabi naman ni Vince Dizon, ang deputy chief implementor of the National Task Force Against COVID-19, na nananatili pa rin ang COVID-19 vaccine hesitancy sa far-flung areas o malalayong lugar. Dagdag pa ni Dizon, kailangan na paigtingin ang information drive upang maipabatid sa mga tao na binabawasan ng bakuna ang tsansa ng pagkahawa o makakuha ng severe case ng COVID-19 gaya na rin sa data mula sa Food and Drug Administration o FDA.