News

Serbisyong Tama Caravan patuloy ang paglapit sa mga mamamayan ng Laguna

Sa patuloy na pagbibigay serbisyo sa mamamayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ay nagsagawa muli ng isang carvan ang lokal na pamahalaan sa bayan ng Majayjay. Isinagawa ang Serbisyong Tama Caravan sa Majayjay Elementary School sa Barangay San Miguel. Nagkaloob ng libreng serbisyong medikal ang grupo mula sa panlalawigang pamahalaan ng Laguna. Maliban sa konsulta ng iba’t ibang karamdaman ay nabigyan din ng mga gamot ang mga residenteng nagpunta sa caravan para sa kanilang karamdaman. Nagbigay din ng libreng gupit, masahe at maging pagbibigay ng pananim ang pamahalaang panlalawigan.

Nagpasalamat naman ang mga residente ng bayan ng Majayjay kay Gov. Ramil Hernandez sa paghahatid ng karagdagang serbisyo para sa mamamayan ng kanilang bayan.

Nakatakda naman samantalang magkaroon ng parehong serbisyo caravan ang lokal na pamahalaan ng Laguna sa bayan ng Calauan sa katapusa ng Hunyo na gagawin sa Balayhangin Elementary School.

Pin It on Pinterest