News

3 sugatan sa bumagsak na ginagawang school convention center sa Lopez, Quezon

Tatlo ang sugatan sa pagguho ng isang ginagawang school convention center sa Brgy. Magsaysay sa bayan ng Lopez, Quezon nitong Martes, November 15.

Kinilala ng Lopez Police ang mga biktima na sina Benedict Eliaga, 31 anyos at residente ng Gumaca, Quezon, Rosen Oblena, 21 anyos at Romeo Padayag, 57 anyos at pawang residente ng naturang bayan.

Batay sa imbestigasyon ng Lopez PNP, lumalabas na habang nagwewelding si Benedict ng steel trushes ng naturang convention ay bilang itong bumagsak na naging sanhi rin ng pagkahulog nito habang sina Rosen at Romeo naman ay nahulugan ng mga bumagsak na steel trushes.

Kaugnay nito, nagtamo naman ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad na dinala sa hospital para sa asistensiyang medikal.

Pin It on Pinterest