News

SIM Card Registration, pinalawig

Inanunsyo ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang (syam na po)90-araw na pagpapalawig ng Subscriber Identity Module o SIM registration period alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11934 o ang SIM Registration Act.

Para sa mga hindi pa rin rehistradong SIM sa loob ng 90-araw na pagpapalawig ng registration ay maaaring mangyari ang mga sumusunod: pagbabawal na sa pag-access ng value-added services, hindi din pinahihintulutan ang pagtawag at ang pag activate ng deactivated na SIM.

Ang mga nabanggit na hakbang ay magiging paksa sa amendment ng Implementing Rules and Regulations ng RA 11934 at dapat ipatupad alinsunod sa mga naaangkop na batas, tuntunin at regulasyon.

Sa pagpapalawig ng registration period, hinihimok ng DICT ang Public Telecommunication Entities o PTE na i-recalibrate ang kanilang mga estratehiya upang madagdagan ang bilang ng mga magpaparehistro.

Gayundin, tutulungan ng DICT ang PTE at ang gobyerno sa pagtugon sa mga alalahanin sa identification requirement para sa SIM registration.

Higit pa rito, paiigtingin ng Department and the National Telecommunications Commission o NTC ang paglulunsad ng mga programa upang matulungan ang mga nasa marginalized na sektor at ang mga nakatira sa mga lugar na hindi naseserbisyuhan at kulang sa serbisyo upang irehistro ang kanilang mga SIM.

Hinihimok ng departamento ang mga Pilipino na samantalahin ang extended SIM registration period upang isulong ang pagiging responsible sa paggamit ng mga SIM at upang masugpo ang mga krimen.

Pin It on Pinterest