News

Baterya ng motor banca at fishing gear, ipinagkaloob sa mga mangingisda ng Real, Quezon

Namahagi ng mga baterya ng motorbanca at iba pang kagamitan sa pangingisda ang pamahalaang bayan ng Real, kasabay sa nagiging kauna-unahang general assembly ng Pederasyon ng Nagkakaisang Mangingisda ng Real Quezon.

Ito ay binubuo ng iba’t-ibang samahan ng mangingisda mula sa sampung coastal barangay sa bayan.

Ayon sa LGU, ang mga kagamitang pangisda na kinabibilangan ng halos 200 kahon ng fishing hook, 170 kilograms ng fishing line, mahigit 50 piraso ng styro box at mahigit 40 piraso ng wood reels o pulunan ay mula sa Department of Agriculture.

Samantala, naglaan naman ang lokal na pamahalaan ng higit isang milyong piso mula sa Capital Expenditure Livelihood Program upang makapagbigay ng higit 300 na Motor Banca Batteries.

Layon umano nito na matiyak ang kabuhayan ng mga mangingisda lalo’t isa ang mga ito sa mga pinakaapektado tuwing may sama ng panahon.

Ang Pederasyon ng Nagkakaisang Mangingisda ng Real, Quezon ay binubuo ng labing-walong samahan na mayroong kabuuang bilang na higit isang libong miyembro.

Pin It on Pinterest