News

SRA, sinimulan na ang pagbebenta ng murang puting asukal; Lucena City, nananatiling mataas ang presyo ng asukal

Sinimulan na ng Sugar Regulatory Administration o SRA ang pagbebenta ng P70 per kilo ng puting asukal sa kanilang tanggapan pero hanggang tatlong kilo lang ang pwedeng bilhin ng bawat costumer.

Upang matiyak naman ang murang supply, kinausap ng Department of Agriculture ang mga importer na ilaan sa ahensya ang 10% ng kanilang sugar allocation na ibebenta sa murang halaga.

Higit apat na kaban ng puting asukal ang ibinaba sa SRA, nasa 33K metric tons ng imported sugar ang nabigyan ng clearance mula sa SRA.

Bahagi ito ng 150 thousand metric tons na inaprubahan ng sugar order no. 2 na layong tiyakin ang sapat at murang supply ng puting asukal sa bansa.

Samantala, sa Lucena City Public Market nananatiling mataas pa rin ang presyo ng puting asukal ng pumalo na sa P110 per kilo habang ang brown sugar naman ay P88 per kilo at P90 per kilo ang wash sugar.

Dahil sa taas ng presyo ng puting asukal sa lungsod, ang ilan maninindahan ay hindi na muna nagtitinda nito upang maiwasan ang pagkalugi dahil kakaunti ang mga bumibili.

Pin It on Pinterest