News

Magkapatid huli sa illegal drugs sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City

Aretado ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Lucena Police ang magkapatid sa Barangay Ibabang Iyam sa Lucena City dahil umano sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Kinilala ang mga supek na sina Aldrin Pera Abellera, 23-anyos na dati na umanong may kaso sa pagnanakaw at Arjay Pera Abellera, 21-anyos, pawang mga nasa drug watchlist ng Lucena PNP.

Base sa report ng Lucena Police, mag-aalas 7:00 ng gabi ng Oktubre 18, 2022 sa Purok Talabis ng nasabing barangay kung saan residente ang mga ito, naaresto ang magkapatid nang magpositibo sa ginawang test buy sa joint buy-bust operation.

Nabilhan umano ng isang police na nagpanggap na buyer ng sachet ng shabu gamit ang buy-bust money si Aldrin, dito na dinakip ang dalawa.

Ilang sachet ng hinihinalang shabu pa ang nakuha sa mga ito. Sa suspek na si Arjay naman nabawi ang P500 bill na marked money.

Umabot sa walong gramo ng ilegal na droga ang nakuha sa magkapatid na higit 16, 000 pesos ang street value nito.

Nakadetine na ang mga suspek sa costudial facility ng Lucena City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Pin It on Pinterest