Sunog sa SHC, aabot sa P10M ang halagang napinsala sa inisyal na imbestigasyon ng Lucena BFP; 1 truck ng Lucena BFP, tumirik sa kasagsagan ng pagresponde
Sa inisyal na imbistigasyon ng Bureau of Fire Protection o (BFP)Lucena, tinatayang aabot sa 10 milyong piso ang halaga ang napinsala sa naganap na sunog sa Lucena City.
Pasado alas otso ng umaga sa unang araw ng 2019 Enero 1 nagkaroon ng sunog sa ilang building sa loob ng Sacred Heart College. Binalot ng makapal na usok unahang bahagi ng nasabing paaralan,tinupok ng apoy ang chapel at ilang opisina ng school administration, nadamay din dahil sa lakas ng apoy ang elementary department. Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog.
Tatlong fire trucks ng Lucena BFP ang rumesponde dahil sa lakas ng apoy rumesponde na rin ang mga fire trucks ng mga kalapit na bayan tulad ng Sariaya, Candelaria,Tayabas, Pagbilao, at Lucban. Gayun din ang Chinese chamber volunter brigade.
Nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahil masikip ang daan at hindi sila makapasok,malakas ang hangin kaya kaagad na kumalat ang apoy.
11:45 ng unang naideklarang fire under control, 2:46 na ng hapon nang maideklarang fire out ang sunog. Patuloy ang imbestigasyon na ginagawa ng BFP at inaalam kung saan at kung ano ang pinagmulan ng sunog. Wala namang idea ang BFP Lucena sa sinasabing painting malalaman daw sa imbistigasyong ginagawa.
Samantala, isang fire truck ng BFP Lucena ang tumirik sa kasagsagan ng pagresponde ayon naman sa mga bumbero, may katandaan na ang nasabing truck ay ginagamit na lamang sa relay at pagdadala ng tubig.