News

Lucena DRRMO, nagbabala sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon

Muling nag paalala ang Lucena DRRMO o Disaster Risk Reduction Management Office sa lahat na salubungin ang bagong taon ng ligtas, masaya at puno ng pag-asa.

Ayon sa Executive Order No. 28, ipinagbabawal ang paggamit ng paputok sa residential areas o pampublikong lugar.

Maaari lamang magpaputok sa mga designated areas o firecrackers zone na itinalaga ng LGU o Local Government Unit sa ilalim ng supervision ng mga awtoridad at may permiso ng kasulatan mula sa kinauukulan.

Samantala ayon sa Philippine National Police ipinagbabawal ang mga sumusunod na paputok:
• Watusi
• Piccolo
• Poppop
• Five Star
• Boga
• Pla-Pla at iba pa

Ipinagbabawal din ang walang permit o expired permit na tindahan o pagawaan ng paputok.

Maaaring makulong ng 6 months hanggang 1 year, magmulta ng 20,000 -30,000 pesos at cancellation ng permit para sa mga mahuhuling may illegal na paputok.

Pin It on Pinterest