News

Infanta LGU, lumagda sa MOA para sa drug rehab program

Makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Infanta, Quezon sa Department of Health para upang mapalakas ang kanilang drug rehabilitation program.

Pinagtibay ito sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement ng Infanta LGU at ng DOH – Treatment and Rehabilitation Center – Bicutan.

Sa ilalim ng kasunduan, maaaring magamit ng mga drug surrenderees mula sa naturang bayan ang pasilidad at programa ng DOH-TRC Bicutan upang matulungang makaahon at makawala mula sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Dumalo sa MOA signing ang ilang kawani mula sa DOH-TRC-Bicutan. Sinaksihan din ito ng mga miyembro ng Management Committee ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta.

Ayon sa LGU, ang gawaing ito ay bilang bahagi ng mga programa upang maging maayos muli ang buhay ng mga mamamayan na nalulong sa droga.

Nagpaabot din pasasalamat ang LGU Infanta sa mabilis at agarang pagtugon ng DOH- TRC Bicutan upang maisakatuparan ang kanilang pagtutulungan.

Pin It on Pinterest