News

Tourist Attraction sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas itinapok sa isang booth display sa Tayabas City

Isang Booth display na nagpapakita ng tourist attraction sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang itinapok sa publiko ng isang paraalan sa sa Tayabas City.

Inilunsad ng Colegio De La Ciudad De Tayabas – College of Business and Management Education ang proyekto ng mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Tourism Management na “The Philippines: A Tapestry of Island Adventures, kung saan tampok sa booth display ang tourist attractions sa bansa.

Tumagal ng dalawang araw ang aktibidad na isinagawa sa Tayabas Bandstand na sinilayan ng publiko noong April 24 hangang 25, 2023.

Bukod sa photographic display of tourist destinations, tampok din dito ang mga pagkain, tradisyon, kasuotan at kultura ng iba’t-ibang lugar.

May isasagawa din na palaro ng lahi, boodle fight at mukmukan sa Bandstand.

Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang Ribbon Cutting Ceremony at pagbabahagi ng mensahe.

Nanging hurado sa patimpalak ang ilang propesor ng iba’t ibang Unibersidad sa bansa gaya nina Prof. Lemuel Ritchie Cervantes ng Arellano University-Jose Abad Santos Campus, Prof. Creslie Kim S. Coniendo ng Taguig City University at Prof. Leticia S. Cagalawan ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology.

Pin It on Pinterest