Coastal clean-up, isinagawa ng LGU Catanauan
Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang Pamahalaang Bayan ng Catanauan, Quezon sa mga coastal barangay nito.
Iba’t ibang ahensya at departamento ng lokal na pamahalaan ang lumahok sa isinagawang sabay-sabay na paglilinis sa mga baybayin ng mga barangay.
Ang mga barangay na ito ay kinabibilangan ng Brgy. Poblacion 1 Sitio Kaibayo, Brgy. Matandang Sabang Kanluran at Brgy. Matandang Sabang Silangan.
Kasama sa mga lumahok sa nasabing paglilinis ang mga barangay officials, mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan ng PNP, BFP at iba pa katuwang ang mga kalapit na residente sa baybayin na boluntaryong lumahok.
Ang coastal clean-up ay bahagi ng programang isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Catanauan na paigtingin ang proteksyon at konserbasyon ng kapaligiran at itaas ang kamalayan ng komunidad sa mga usaping pangkalikasan.
Nanawagan naman ang LGU Catanauan sa publiko maging responsable sa pagtatapon ng basura para mapanatili ang kalinisan sa kanilang bayan.