News

100 Puno ng Narra itinanim ng mga mag-aaral sa Atimonan; Parking Space sa Zigzag Park, Isinaayos

Pagkakaroon ng bukas na kaisipan ng mga kabataan upang maging responsible sa pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan ang hangad nila Mayor Ticoy Mendoza kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Zenaida Veranga.

Kamakailan ay nagsagawa ng Narra Tree Planting at Clean-up Drive Activity sa bahagi ng Aloco Falls ang ilang estudyante ng Quezonian Educational College, Inc. (QECI) Bachelor of Science Major in Business Administration sa pakikipag-ugnayan ng kanilang Instructor at Sangguniang Bayan Member, Konsehal Angeza Mae Tamayo sa tanggapan ng MENRO Atimonan.

Nasa 100 puno ng Narra ang kanilang naitanim kasama ang PNP Atimonan at ilang Barangay Officials ng Brgy. Angeles Atimonan, Quezon.

Samantala, isinaayos naman ng DPWH 4th District Engineering Office ang parking space sa Zigzag Park sa bayan ng Atimonan kung saan sumasabit umano ang bumper ng maliliit na sasakyan.

Hangad ng Atimonan Tourism Office at ng LGU Atimonan na maging mas maayos ang kabuuan ng parke para sa mga turista, lalo’t higit sa mga lokal na mamayan na bibisita sa Zigzag Park.

Pin It on Pinterest