News

121 waterbirds, namataan sa isinagawang Annual Asian Waterbird Census sa San Andres, Quezon

Iba’t ibang species ng watebirds ang namataan kamakailan sa Alibijaban Wilderness Area sa isinagawang Annual Asian Waterbird Census sa San Andres, Quezon.

Layunin ng census na makapagbigay ng baseline data sa pagbabago ng populasyon ng mga ibon, mapabuti ang kaalaman sa waterbird species at wetland sites at madagdagan ang kamalayan sa kahalagahan ng mga ito at kanilang tirahan.

May kabuuang 121 ibon ang nakita sa lugar na nabibilang sa 12 terrestrial at 3 wetland species na itinuturing na ‘least concern’ batay sa ulat ng Red List ng International Union for Conservation of Nature (IUCN).

Ayon sa DENR-Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Catanauan, ang individual count at presensiya ng iba’t ibang species ay apektado ng pabago-bagong panahon na nangyayari sa isla ng Alibijaban.

Ang mga nasabing species umano ay nangangailangan ng maigting na monitoring at tamang conservation management dahil ang nasabing bilang ng mga ibon ay nagpapakita ng pag-unti sa populasyon ng migratory at resident bird species kumpara sa datos noong 2022.

Gayunman, ang populasyon na naobserbahan at naitala sa naturang census ay patunay na ang ecological condition sa Alibijaban Wilderness Area ay angkop pa rin para sa mga nasabing waterbird species.

Pin It on Pinterest