News

Brgy. 11 mas paiigtingin ang curfew matapos matagpuan ang bangkay ng batang babae na hinihinalang biktima ng panggagahasa

Patuloy ang kampanya ng Pamahalaang Barangay ng Barangay 11 sa Lungsod ng Lucena kontra kriminalidad upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga kabataan. Parte ng kampanya ang siguruhing maging ligtas at payapa ang komunidad para sa kapakanan ng lahat.

Ito’y matapos na matagpuan nitong Miyerkules ng umaga ang bangkay ng 8 taong gulang na batang babae na hinihinalang biktima ng panggagahasa sa isang bakanteng lote sa Brgy. Gulang-Gulang ng naturang lungsod.

Ayon kay Kapitan Peter Daleon, mas paiigtingin nila at ng kanilang barangay tanod ang pagpapatupad ng curfew hours sa nasabing barangay upang siguruhing nasa loob na ng mga tahanan ang mga menor de edad na mga kabataan at mailayo sa kapahamakan at sa mga ilegal na gawain.

“And then sa nangyaring ito.”

Aniya, makikipag-ugnayan na sila sa kinauukulang ahensya para maging maayos ang pagpapaalis sa mga tumutulog na street dwellers sa kanilang lugar.

Ayon naman sa Chairman ng Committee on Peace and Order na si Kgwd. Gregg Mopera.

“Mas paiigtingin pa po natin ang pag-aabisa sa curfew natin and also give a public hearing sa buong barangay natin for what happen.”

Sa ngayon ay aktibo ang pagroronda ng mga tanod nila at pagbisita ng mga ito sa mga lugar kung saan madalas magtambay ang mga street dwellers.

Ang pagpapatupad raw ng kanilang curfew hours operation sa barangay upang makatulong sa pagbawas ng kriminalidad sa lungsod.

Pin It on Pinterest