News

Kuwago, nasagip sa Tayabas City

Nasagip ng Tayabas City Environment and Natural Resources Office ang isang kuwago matapos maligaw sa isang compound sa Brgy. Calumpang, Tayabas City.

Ayon sa ahensya, ang kuwago ay una raw na nakita ni Mr. Mr. Dexter Sacramento noong umaga ng February 1, 2023 sa isang sulok ng kanilang bakuran ng nasabing barangay at itinawag sa kanilang tanggapan para sa tamang pagkuha at masuri ang kalagayan at maibalik sa kanyang natural habitat.

Kaagad na rumesponde ang mga taga-Tayabas City ENRO. Gamit ang mga protective equipment, maingat na hinuli nina Forest Ranger Cristian Javin at Environmental Management Specialist II Jomar Padilla. Ang kuwago ay na-identify bilang isang Philippine Scops Owl.

‘’Umaga po siya natagpuan kaya po parang hindi siya nagmomove ng pangkaraniwan, ginawa po ni sir Dexter ay sini-cure po agad ‘yong lugar noong pinaglalagyan kung saan nakita iyong Kuwago nawalang makalapit na kahit mga aso na nadoon mismo sa loob ng compound nila’’, sabi ni Jomar Padilla.

Dinala nila ito sa City Vet ng Lokal na pamahalaan upang masuri ang kalagayan. Sa pagsusuri, malusog umano ang kuwago at na-iturn over sa DENR at sa pagsapit ng dilim ng araw ding iyon, pinakawalan na ito sa kanyang natural na tahanan malayo sa residential area.

Ang Philippine Scops Owl na ang scientific name ay Otus megalotis ay isang karaniwang kuwago na endemic sa Pilipinas, kung saan sila ay karaniwang matatagpuan sa mga kagubatan. Isa ito sa labing-anim na uri ng kuwago na matatagpuan sa bansa.

Batay sa Tayaba City ENRO, nakalista ang Philippine Scops Owl sa Appendix II ng Convention on International Trade in Endangered Species (CITES) at ito ay protektado sa ilalim ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001. Ang pangangaso, pangongolekta at pagmamay-ari ng uri nito ay may parusa sa ilalim ng batas na ito.

Pin It on Pinterest