1st Quarterly Joint Meeting, isinagawa sa Real, Quezon
Isinagawa ang 1st Quarterly Joint Meeting ng Local Health Board, Q1K Council at Municipal Nutrition Council kung saan ipinahayag dito ang pagkakaroon ng Supplementary Feeding Program sa bayan ng Real, Quezon nitong Miyerkules, March 22.
Tinalakay dito ang mga update para sa Geographically Isolated and Disadvantage Areas o GIGA, Human Resources for Health o HRH at sa bagong Rural Health Units.
Layunin ng pagpupulong na ito ang makabuo ng isang programa kasama ang iba’t ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Real para sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga Realeño at malaman ang estado ng kanilang nutrisyon.
Dinaluhan naman ni Mayor Bing-Diestro Aquino ang naturang pagpupulong.