News

20-anyos na babae sa Sariaya, Quezon patay matapos nitong sagipin ang kapatid

Ang sana’y sasagip lang sana sa nalulunod na kapatid, siya mismo ang nabiktima.

Nasawi ang isang 20-anyos na babaeng estudyante matapos nito sagipin ang kapatid na nalulunod subalit siya naman ang natangay ng alon sa isang beach resort sa Sitio Aplaya, Brgy. Bignay 1, Sariaya, Quezon nitong Undas.

Ang biktima ay kinilalang si Patricia Macinas, residente ng Brgy. Masalukot 5 sa bayan ng Candelaria.

Batay sa report ng Sariaya police, nagpi-picnic ang magkakamag-anak kasama ang biktima sa resort kasabay ng paggunita ng Undas.

Subalit habang naliligo sila Patricia at ang kapatid nitong babae sa tabing-dagat, nang bigla raw natangay ang mga ito ng mga alon patungo sa malalim na bahagi.

Nagawang mailigtas ng biktima ang kapatid sa pamamagitan ng pagpapasakay nito sa kanyang likuran hanggang sa dumating ang rescue boat. Subalit muling natangay ng alon ang biktima hanggang sa tuluyan na itong malunod.

Sa imbestigasyon noong araw na iyon ay malalaki ang alon sa baybaying dagat dahil sa nagdaang bagyo.

Nangyari ang indidente dakong alas 3:00 ng hapon.

Pin It on Pinterest