Quezon PECU, nagsagawa ng inspeksyon sa mga sementeryo para sa ligtas na Undas 2022
Isinagawa ng mga tauhan ng Quezon Provincial Explosive Ordnance and Canine Unit o Quezon PECU ang pag-iinspeksyon sa mga sementeryo sa bayan ng Candelaria, Quezon upang magkaroon ng ligtas na undas ngayong araw.
Ang nasabing gawain ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Director PNP-EOD/K9 Group PCol. Albert G. Magno.
Layunin ng Quezon PECU na masiguro ang kaligtasan ng publiko sa pagpunta nila sa mga sementeryo upang bisitahin ang puntod ng kanilang yumaong mga mahal sa buhay.
Isinagawa ito ng ahensya sa kabila ng mga taong maagang nagsipunta sa mga sementeryo upang maghanda.
Samantala, ipinagbabawal ng LGU Candelaria ang pagdala ng mga alak, armas o anumang matatalim na bagay upang maging ligtas ang lahat sa Undas.