News

20% Development Fund ng Barangay 10, gagamitin sa proyektong mapapakinabangan ng mga residente

Napapakinabangan na ngayon ang isinaayos na Day Care Center sa Barangay 10 sa Lungsod ng Lucena. Ito’y isa lang sa mga ibinida ni Kapitan Arnel Magbanlac nitong nakaraang Barangay Assembly Day, araw ng Sabado, March 25.

Isinaayos daw ito dahil naaapektuhan ang mga batang mag-aaral dito sa tuwing umuulan ay tumutulo ng tubig sa loob mismo ng silid-aralan.

Sa pamamagitan daw ng 20% Development Fund ng kanilang barangay ay agarang ipinagawa ang problema sa naturang day care center para mas komportableng pag-aaral ng mga bata sa lugar.

“So sabi nga naadyan ang 20% Development Fund ng Barangay na siyang binibigyang-diin natin na hindi nawawala at napapakinabangan ng ating mga kabarangay katulad na lamang ng aming 20% sa ating barangay day care center na ating ipinagawa.”

“Ito nga yung sinasabi natin na naging tuluan ng tubig at bumabaha.”

Maliban dito, ayon pa kay Magbanlac, pinasimulan na rin nila ang pagpapalawak ng kanilang barangay hall upang magsilbing evacuation center na rin ng mga residente sa tuwing may kalamidad.

Ang pondo raw nito ay mula pa rin sa 20% development fund ng barangay.

“Meron na tayo ngayon na Phase 2 na ang ating barangay hall ay ating pinalaki, pinalawak at pinaganda para maging isa sa mga evacuation center at mapakinabangan ng ating mga kabarangay 10.”

Tiniyak naman ng punong barangay na ang kanilang 20% development fund ay gagamitin sa mga proyektong direktang mapapakinabangan ng mga residente.

“Napapakinabangan ang ating mga pagawain at ang 20% development fund ng ating barangay.”

Hinikayat niya rin ang mga constituents nito na patuloy na makiisa at sumuporta sa mga proyekto’t programa ng barangay para sa higit pang pag-unlad ng nasasakupan.

Pin It on Pinterest