News

Bagong collection scheme para sa basura sisimulan na ngayong Oktubre

Sisimulan na sa October 11, 2021 ang pilot testing sa bagong Collection Scheme sa pagkolekta ng mga basura sa Lungsod ng Lucena. Ito ang inihayag ni Lucena City General Services Officer, Ms. Alyssa Marie Mijares. Sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick, sinabi ni Mijares na ang panibagong collection scheme o bagong plano at bagong iskedyul ng koleksyon ng basura ay pinagtibay ng inaprubahang Solid Waste Management Board Resolution.

“Panibagong collection schedule, collection scheme meron po tayong plano, bagong collection, bagong schedule, ito po ay pinagtibay sa pamamagitan ng inaprubahang Solid Waste Management Board Resolution na nagpatibay ng bagong schedule ng collection.”

Dagdag pa ni Lucena City General Services Officer na mayroon na silang inisyal na usap sa poblacion area, dahil nandito ang karamihan establisimyento kaya dito sisimulan ang bagong plano at iskedyul ng koleksyon ng mga basura. “Meron na po kaming initial na sa poblacion area dahil sila naman po lagi ang nauuna sa aming priorities dahil nasa kanila ang karamihang businesses establishment, sa kanila po magsisimula”

Samantala, ayon din kay Mijares na ang kailangan bago magbago ng sistema sa koleksyon ng mga basura ay ang kahandaan daw ng Barangay at ng lokal na pamahalaan. Mensahe naman ng Lucena City General Services Officer na ang pagprotekta sa kapaligiran ay pagprotekta sa ating mga sarili at sa kalusugan, kaya kung hindi natin poprotektahan ang ating kapaligiran tayo din ang unang maapektuhan.

Pin It on Pinterest