News

Tourism code ng Quezon, isinusulong

Isang ordinansa ang binubuo ngayon sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon para sa higit na pamamahala sa industriya ng turismo matapos ang epekto ng pandemya.

Isinusulong ni Quezon 3rd District Board Member John Joseph Aquivido ang pagkakaroon ng tourism, culture, and arts code na magsasaad ng mga alintuntunin at regulasyon na may kinalaman sa turismo sa buong lalawigan.

“It is no doubt that our province has a great potential to be next big thing in tourism however the province needs to ensure that there is comprehensive tourism ordinance which will standardize all matters relative to the tourism, culture and arts industry,” sabi ni Aquivido.

Ayon kay Aquivido, lalamanin ng tourism code ang mga polisiya na makakatulong sa pagkamit ng layunin ng tourism development plan ng bawat munisipalidad at lungsod sa lalawigan.

Nakikita rin ng bokal na makakatulong ang tourism code sa pangangasiwa ng lokal na pagpaparehistro at regulasyon sa mga negosyong nakatuon sa turismo.

Sa pamamagitan din aniya ng ordinansa, magiging maayos ang pagpapatupad ng mga polisiya.

“Obsolete, outdated, duplicative and conflicting tourism policy will now replace by a systematic, evidence-based and updated policy which will be anchored in good governance,” saad ni Aquivido.

Samantala, iminungkahi naman ni Board Member Isaias Ubana na maging komprehensibo ang gagawing ordinansa ng lalawigan upang mapagtuonan ang mga local concern ng mga bayan at lungsod.

Kasalukuyan nang nasa komitiba na ni Aquivido ng Tourism, Culture and Arts ang panukala para sa tourism code ng lalawigan upang lubos na mapag-aralan at dumaan sa mga pampublikong pagdinig.

Kaugnay nito, nakatakda na ding imbitahan sa susunod na regular sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ang mga kinatawan mula sa Provincial Tourism Office para sa pag-uulat ng tanggapan na maaring maging batayan sa pagbuo ng tourism code.

Pin It on Pinterest