News

20 katao na may visual disability sa Atimonan, sumailalim sa libreng eye check-up at libreng eyeglasses

Libreng eye check-up at libreng eyeglasses para sa mga Person with Visual Disability ang ipinagkaloob ng lokal na mapahalaan ng Atimonan, Quezon sa mga naturang sektor ng kanilang bayan kamakailan.

Bagay na malaking tulong daw sa mga benepisyaro ng programa sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), The Fred Hollows Foundation at Integrated Provincial Health Office (IPHO).

Umabot ng nasa 20 katao na may visual disability sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bayan ang nagbenipesyo sa naturang proyekto.

Ang Free Eye Check-up at Free Eyeglasses sa mata ay nagdulot umano ng kasiyahan sa mga nabiyayaan.

Isa raw ito sa mga prayoridad na program ng MSWDO sa bayan para sa mga sektor na ito, mahalaga raw na maipadama ng LGU ang pagkalinga sa mga ito sa pamamagitan ng mga programang gaya nito.

Lubos daw itong sinusuportahan ng kanilang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Ticoy Mendoza kamasa ang mga bumubuo ng Sangguniang Bayan ng Atimonan.

Pin It on Pinterest