Granada, nakitang pinag lalaruan ng bata sa Lucena City

Natagpuan ang isang pampasabog o MK2 fragmentation type hand grenade na inabandona matapos na makuha ng dalawang bata sa bakanteng lote habang naglalaro sa Purok 1, Brgy. Bocohan sa Lungsod ng Lucena nitong Biyernes ng hapon, October 21.

Sa nakarating na ulat sa Lucena City Police Station, dakong alas-2:30 ng hapon nang madiskubre ni Cedric Olager Mondin, 21-anyos ng Poblacion 3, Sariaya, Quezon ang isang hand grenade Fragmentation MK2 sa naturang barangay na nilalaro umano ng dalawang bata na nasa edad 10 at 8 taong gulang.

Lumabas sa imbestigasyon ni PMSG Melvin De Alday, naglalaro ang dalawang bata sa naturang lugar malapit sa puno ng acacia nang aksidente nilang makita ang nasabing granada at paglaruan.

Agad niyang ipinaalam sa mga tauhan ng Lucena Police ang natuklasan na sila namang humingi ng tulong sa Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit Quezon.

Rumesponde sa naturang lugar ang mga tauhan ng EOD sa pa¬ngunguna ni PMSG De Alday kung saan ligtas nilang narekober para sa safekeeping ang granada na kinakalawang na subalit, buo pa ito.

Pin It on Pinterest