News

Presyo ng kandila wala pang masyadong paggalaw sa ilang tindahan sa Lucena City

Mahigit isang linggo bago sumapit ang araw ng mga patay wala pa halos paggalaw sa presyo ng mga kandila sa isang kilalang tindahan nito sa Lucena City.

Sa New Prosperous Grocery na kilala sa syudad sa pagbebenta ng mga kandila ay nanatili pa sa dating presyo ayon sa may-ari nito, mga lumang stock pa raw kasi ng mga kandila ang kanilang ibenebenta.

Sa tanong na kung magtataas ba sila ng presyo ilang araw bago ang Undas? Depende raw ito sa presyo ng mga suplay na darating.

Ang ilang mamimili, bagamat inaasahan na ang pagtaas ng presyo nito ilang araw bago sumapit ang araw ng mga patay, nananalangin na sanay huwag nang tumaas ang presyo.

‘’Sana po hindi tumaas ang presyo para affordable,” sabi ng mamimiling si Tin

Gaya ni Tin may pailan ilan ng nanimimili ngayon ng kandila sa nasabing tindahan bagamat hindi pa raw ito gagamitin para sa Undas, tiyak naman daw na bibili muli sila sa mga susunod na araw para gamitin sa pag-ala-ala sa mga yumaong mga mahal sa buhay.

Mahal ba presyo? ‘’hindi ko alam ngayon palang po kami bibili gagamitin kasi sa simbahan,” sinabi ng isang mamimili.

‘’Ngayon palang po ako bibili, bibili pa uli sa susunod,’’ sabi ni Tin.

Samantala, sa Metro manila nagsimula ng tumaas ang presyo nito sa ilang tindahan kaya naman ang ilang mamimili sa Lucena City inaasan na ang pagtaas ng presyo nito na karaniwan na raw kapag tumataas ang demand at mababa ang suplay sigurado na may paggalaw sa presyo.

Pin It on Pinterest