2022 Annual Budget ng Lungsod ng Lucena Pasado na!
Pasado na sa third and final reading ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena ang 2022 Annual Budget ng Lungsod.
Bumoto ng ‘Yes’ ang mga konsehal na sina Anacleto Alcala III, Danilo Faller, Wilbert Mckinly Noche, Benito Brizuela Jr., Americo Lacerna, Jose Christian Ona, Nicanor ‘Manong Nick’ Pedro Jr. at Ex-Officio Members na sina Jacinto Jaca at Patrick Norman Nadera.
Samantala, ‘No’ pa rin si Konsehal Rhaetia Marie Abcede-Llaga tulad ng kanyang desisyon noong ikalawang pagbasa.
Habang si Konsehal Nilo Villapando naman ay present sa roll call ng Sanggunian ngunit nawala sa ‘virtual session’ nang pagbotohan ang 2022 budget ng Lucena.