KOOPNAMAN at Mga Miyembro Apektado Din ng ASF
“Naapektuhan din ng African Swine Fever ang Koopnaman at mga miyembro nito.”
Ito ang pahayag ng CEO ng Koopnaman Multipurpose Cooperative, Isabel Bico, sa panayam ng Bandilyo.ph sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.
Kaugnay ito ng pagtigil ng hanapbuhay ng mga miyembrong nagbababuyan dahil sa pagkalat ng sakit na ASF. Kailangan daw na kahit papaano ay mabigyan nila ito ng solusyon nang sa gayon ay hindi matigil ang hanapbuhay ng mga ‘piggery owner’.
Sinabi pa ni Bico na hindi sila titigil sa pagtulong pagdating sa ganitong uri ng problema.
Samantala dagdag pa ng CEO ng Koopnaman na tutol ang LGU na magtayo sila ng babuyan kahit na malayo ito sa mga mamamayan ng nasabing lugar kung kaya’t hindi sila inaprubahan dahil sa mga nagrereklamo.
“Medyo mahigpit ang LGU doon, ayaw nila. Although malayo kami sa kapit bahay inirereklamo, mahirap po,” sabi ni Bico.
Bagamat naging maganda naman ang pagpapautang nila sa mga magsasaka na maayos naman magbayad.