News

3 kababaihan inaresto dahil sa paglalaro ng bingo

Arestado ang tatlong kababaihang residente ng Sitio Lomboy Barangay Villa Reyes, San Narciso, Quezon sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng mga kapulisan ng San Narciso Municipal Police Station nitong Miyerkules ng hapon, September 28, 2022.

Kinilala ang mga naaresto na sina Minda Luchavez, 62 years old; Rowena Dublin Salas, 44 years old; at Krystel Joy Remo Martinez, 29 years old na pawang mga residente ng nasabing lugar.

Nasa kustodiya na ng San Narciso MPS ang mga naarestong suspek para sampahan ng kaukulang kaso sa paglabag ng PD 1602 kasama ang mga nakumpiskang ebidensya.

Ito ang resulta ng direktiba ni Police Colonel Ledon Monte., Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office sa kampanya laban sa lahat ng ilegal na aktibidad sa buong lalawigan.

Pin It on Pinterest