News

Dumadalaw sa mga Sementeryo Hindi pa Dumadami

Bago ang pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo upang maiwasan ang pagdasa ng mga tao na sinasabing nagdudulot ng hawahan ng virus sa pagdriwang ng Undas, sa Lucena City Public Cemetery sa Barangay Market View may mga maaga nang dumadalaw sa libingan ng kanilang mahal sa buhay na yamao.

“Para makabisita sa kanya kasi alam naman natin ang sitwasyon, dapat sumumod,” ayon sa Roselyn na dumalaw sa kanyang yumaong kaanak.

Bagamat ilang araw na lamang ang nakatakdang panahon bago pa man ito isara ang mga sementeryo sa publiko ay pailan-ilan pa lang ang pumuntunta dito.

Base sa kautusan, sarado ang mga sementeryo sa bansa mula Oktobre-29 hanggang Nobyembre-2 ng taong kasalukuyan, upang maiwasan ang mass gathering sa loob ng sementeyo sa pag-gunita ng Undas. Sa pagbisita sa Lalawigan ng Quezon ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ay sinabi nitong ipinag-utos na niya sa mga chief of police sa buong bansa na makipagcoordinate sa mga LGUs para alamin kung paano ipapatupad ang mga panuntunan sa pansamantang pagsasara ng mga sementeryo at columbariums. Ipinag-utos na rin ng Heneral ang pagbabantay ng mga pulis sa posibleng pag-dagsa ng mga tao bago at pagkatapos ng pansamatalang pag-sasara ng mga sementeryo upang masunod ang mga health and safety protocol.

Pin It on Pinterest