News

Senior citizens sa Brgy. Market View, sumailalim sa libreng konsultang medikal

Sumailalim ang mga nakakatandang sektor ng Barangay Market View sa Lucena City sa “Boomerang Lucena! Balik-Kalinga kay Lolo at Lola” program ng lokal na pamahalaan ng Lucena City.

Bumababa sa nasabing barangay ang health department ng Lucena LGU para kalingain ang mga senior citizen.

Nagkaroon dito ng medical services tulad ng libreng blood testing, fasting blood sugar test, x-ray at eye check-up at iba pa. Libre din ang mga gamot at pananghalian ng mga benepisyaryo.

Tumanggap din sila ng anti-pneumonia vaccine at vitamins supplement na panlaban nila para sa malulubhang karamdaman.

Sabi ng ilang nagbenepisyo sa programa gaya ni Lola Mercedez, malaking bagay ito sa kanila lalo at mahal ngayon ang pagtingin sa mga pribadong klinika.

“Maraming salamat po sa aking isipan sa pagpacheck-up ng mata ko, malaking tulong po sa akin ‘yun,” sabi ni Lola Mercedez.

Malaking bagay po itong general check-up po sa ating lolo at lola sapagkat alam naman po natin na ang kalusugan ang tunay na kayamanan ng bawat isa sa atin,” ani Kgwd. Janinne Napule, ang chairman ng Committee on Sectoral Concerns.

Sinabi ng City Administrator ng Lucena LGU na si Anacleto “Jun” Alcala Jr. ang programang ito ng pamahalaang lokal ay pagbabalik-tanaw at kabayaran sa mga nakakatandang sektor ng siyudad sa naging ambag ng mga ito sa komunidad. Ang programang ito ay iikot at bababa sa lahat ng barangay ng siyudad.

“Isama ang mga senior citizen sa pag-unlad, alagaan natin ang mga senior citizen,” saad ni Jun Alcala.

Ayon kay Kgwd. Janinne Napule, ang committee chairperson ng sectoral concerns ng Barangay Market View, nasa 200 ang benepisyaryo ngayong araw. Bukod ‘yung nasa higit 140 na unang na-check sa Lucena City Government Complex noong nakaraang linggo.

Sa susunod na raw, babalik ang mga taga-city health office sa nasabing barangay para sa ikatlong batch. Nasa 1,200 ang rehistradong senior citizen mayroon ang Barangay Market View.

Sabi ni Kagawad Napule, ‘yung mga nakakatandang sektor sa kanilang lugar na hirap na sa pagkilos, dala ng kanilang edad ang mga barangay health alliance na mismo ang pupupunta sa mga tahanan para makonsulta ang mga ito.

“Sila po ay binibisita ng mga barangay health alliances at ano man pong mga medical assistance ay iniindorso naman po natin sa city health office,” sabi ni Kagawad Napule.

Samantala, ipinaliwag sa mga ito ang kahalagahan ng pagpapatingin ng kalusugan at ang papaturok ng anti-pneumonia vaccine bilang pananggalang sa sakit gaya ng trangkaso, lagnat at iba pa.

Ang mga senior citizen ang isa mga sector na pinagtutuan sa barangay ng mga programa.

“Napakahalaga po na matutukan natin ang sector ng senior citizen sapagkat alam naman natin na sila po ‘yung dapat nating pinagtutuunan ng pansin sa ngayon at ang mga sektor na ito ang mas nangangailangan ng assistance ng LGU,” saad ni Kagawad Napule.

Pin It on Pinterest