Tayabas City ENRO, namahagi ng mga pananim sa Tayabasin
Nakiisa sa isinagawang Serbisyo Publiko Caravan ang Tayabas City Environment and Natural Resources Office sa Doña Carmen, Brgy. Opias, Tayabas City.
Namahagi ang kagawaran ng mga punong pananim gaya ng 40 pirasong kape, 30 pirasong lipote, 30 pirasong balubo, 7 pirasong mangga at 7 pirasong rambutan.
Sa kabuuan aabot sa isang daan at labing-apat na panamin ang naipamahagi ng Tayabas City ENRO sa mga Tayabasin.
Kasabay nito namahagi din ang mga Forest Ranger ng mga information, education and communication campaign o IEC gaya ng pamphlets na may pangkalikasang nilalaman.
Ito ay para magkaroon ang bawat Tayabasin ng kaalaman at kamalayan sa kahalagahan ng kapaligiran at likas na yaman ng Tayabas.
Layunin ng nasabing caravan na mailapit sa mga Tayabasin ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon at ito ay ang mapabilis ang pagbibigay serbisyo sa publiko.