39th National Disability Prevention and Rehabilitation Week, Quezon Province nakiisa
Nakikiisa ang tanggapan ng Quezon Provincial Council on Disability Affairs sa selebrasyon ng 39th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Karapatan at Prebilehiyo ng may kapansanan: Isakatuparan at ipaglaban!” Ang selebrasyon ay tatagal ng isang linggo mula July 17 hanggang 23 bilang paggunita sa kapanganakan ni Apolinario Mabini at nakatakda namang ipagdiwang ng lalawigan sa ika-3 ng Agosto.
Ibinahagi ni Provincial Social Welfare Development Officer Sonia Leyson ang nakatakdang pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng paligsahan sa lalawigan bilang paggunita sa pagdiriwang na ginagawa taon-taon. Binigyang-diin ni Bb. Leyson ang pagsunod sa mga pangunahing infrastructure requirements na may kaugnayan sa mga pangangailangan ng mga PWD. Ayon naman kay Provincial Administrator Romel Edaño, patuloy ang pagsasagawa ng pamahalaang panlalawigan ng mga proyekto na nagbibigay suporta at pagmamahal sa mga PWD tulad ng pagsama kanila sa ilan sa mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan at pagpapahalaga sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.