News

Electronic Business One Stop Shop, umarangkada na sa bayan ng General Nakar

Kasalukuyang isinasagawa ang programang eBOSS o Electronic Business One Stop Shop ng mga tanggapan ng BFP, MEO, DTI, MTO, MHO, MENRO, MPDO, Assessor, at BPLO sa bayan ng General Nakar.

Inaasahang tatagal ang operasyon ng eBOSS mula ika-3 hanggang ika-20 ng Enero taong 2023.

Ang programang ito ay naglalayong mapaglikuran ang lahat ng Nakarin na gustong magparehistro o mag-renew ng permit ng kanilang negosyo sa pinakamabilis, pinakamatino, at pinakamahusay na paraan.

Ito ay alinsunod narin sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Paala-ala naman ng kinauukulan na ang bawat late business renewal ay mayroong karampatang multa at surcharges.

Kaya naman, inaanyayahan ang lahat ng Nakarin na may negosyo at nais magnegosyo sa bayan ng General Nakar na makilahok at makiisa sa programang ito.

Hinihikayat din ang mga business owners na ihanda ang mga kailangang dokumento para sa mas mabilis na pagproseso ng business permit.

Pin It on Pinterest