4 arestado sa paglalaro ng Pusoy sa Lucban, Quezon
Arestado ang apat na katao dahil sa paglalaro ng sugal na pusoy sa E. Ratio St., Barangay Kulapi sa bayan ng Lucban, Quezon.
Kinilala ng Lucban PNP ang apat na suspek na sina Wilmar Semera, 55-anyos, Michael Ian Ludovice, 26-anyos, Oscar Vallar, 45-anyos, Guillermo Vallar, 45-anyos kapwa residente ng Barangay Kulapi ng naturang bayan.
Ayon sa report, ang apat ay naaktuhan umano ng mga pulis mula sa Lucban Municipal Police Station matapos makatanggap ng sumbong na may nagsusugal sa lugar.
Nakumpiska ng mga pulis ang isang set ng mga baraha at halaga ng taya na P1,024.00 pesos.
Ang apat ay nahaharap sa paglabag sa P.D 1602 o illegal gambling.