News

470 benepisyaryo sa Candelaria, natanggap ang sahod sa cash for work program

Nasa 470 indibidwal sa Candelaria, Quezon ang nakinabang sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tumutulong sa mga komunidad na labanan ang mga epekto ng climate change.

Sa ilalim ng Risk Resiliency Program-Climate Change Adaptation and Mitigation Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM DRR) ng DSWD, nabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng cash-for-work scheme.

Tinatayang halos P2-milyon ang naibabang pondo ng ahensiya sa Candelaria kung saan tumanggap ng 4,000 pesos ang bawat benepisyaryo.

Mga gulay at kape ang mga itinanim ng mga benepisyaryo na nagmula sa mga barangay ng Masalukot III, Bukal Norte, Mayabobo at Mangilag Norte.

Sa pamamagitan ng programa, nalalabanan ang masamang epekto ng climate change sa pamamagitan ng pagtanim at iba pang gawain at nakakapagbigay din ng pansamantalang kita sa mga nangangailangan.

Katuwang ng DSWD ang MSWDO, Municipal Agriculture, MENRO at MPDC sa implementasyon ng programa.

Pin It on Pinterest