News

2 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Candelaria at Tiaong, Quezon

Dalawa ang patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Quezon Province.

Pinagbabaril ng mga susppek ang isang tindero ng prutas sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Lalig, Tiaong, Quezon nitong Setyembre 23.

Kinilala ang biktima na si Christopher Dita Magbayao, 40-anyos at residente ng Barangay Bukal ng nasabing bayan.

Ayon sa police report, bandang alas-5:00 ng hapon, nagmamaneho noon ng kanyang tricycle si Magbayao nang makailang beses itong pinagbabaril ng suspek na kaagad na tumakas.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima naisinugod pa ito sa hospital subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at operasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Sa bayan naman ng Candelaria, Quezon, patay din ang isang lalaki matapos din na pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa Barangay Malabanban Sur, noong ding araw na iyon.

Ayon sa police report, nakaupo noon at nakikipag-inuman sa balkonahe ng bahay ng kanyang kaibigan ang biktima na kinilalang si Jose Gonzales, 51-anyos, nang dumating ang hindi pa nakikilalang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Dead on spot si Gonzales matapos magtamo ng bala iba’t ibang bahagi ng katawan, kaagad na tumakas ang mga salarin.

Samantala sa update ng Quezon PNP, ngayong September 25, sa maigting na pagtugis ng Tiaong MPS at Quezon PPO, arestado sa Sitio Burol, Brgy. Bukal, Tiaong ang suspek sa pamamaril kay Cristopher Dita Magbayao. Ang suspek ay kinilalang si Ryan De Guzman Dela Rosa.

Ayon kay Quezon Police Director Col. Ledon Monte, ito ay bunga raw ng pagpupursige ng Quezon PPO na mabigyang hustisya ang mga biktima ng krimen. Patuloy na tutugisin ang ibang lumabag sa batas.

Pin It on Pinterest