News

Isdang Gulyasan, bumaba sa P100 ang kilo sa pamilihan ng Lucena City

Bumaba ngayon sa isang daang piso ang presyo ng kada kilo ng isdang Gulyasan sa pampublikong pamilihan ng Lucena City.

“Mura ‘yan,” sabi ng mamimili na si Joey.

Ang ilang mamimili sinamantala ang pagkakataon, gaya ni Jovelyn na bumili ng isang kilo. Mura daw ito, aabot daw kasi ang presyo nito sa 160-200 pesos ang kilo.

“Mura po, 100 lang, isang kilo po, gagataan,” saad ng mamimili na si Jovelyn.

Ayon sa ilang maninindahan, ngayon araw nang magsimulang bumaba ang presyo ng Gulyasan. Dagsa raw kasi sa pamilihan ang dating ng naturang isda. Marami ang suplay, mababa ng demand kaya bumaba sa isang daang piso ang ngayo’y presyo nito.

Sa ilang stall may 90 pesos pa nga ang kada kilo, ibinebenta sa murang halaga upang mabilis raw na mabenta.

Mula raw sa bayan ng Infanta sa Quezon, Mindoro at Romblon ang dating ng naturang isda sa nasabing pamilihan.

Sabi ng mga maninindahan, hindi daw tatagal ang murang presyo nito, baka bukas o sa susunod na araw balik na sa normal ang presyo ng isdang gulyasan sa pamilihan o maaaring magmahal pa ang presyo dahil sa banta ng sama ng panahon at pagpasok ng kabilugan ng buwan.

Mababa rin sa ngayon ang presyo ng isdang tilapia sa pamilihan, may mabibili na 90 piso ang kada kilo, bukod sa mga isda na ito, may kamahalan ang presyo ng ibang uri ng isda.

Pin It on Pinterest