NewsSports

5’11 guard Niño Ibañez, bagong player ng Huskers

Nangangamba ang ilang Quezon Huskers fans na mabawasan ang playing time o tuluyan ng mawala sa rotation ang ilang guards ng koponan matapos nilang makuha si 5’11 guard Niño Ibañez sa pagpapatuloy ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ‘Trade and Free Agency Window.’

Nagmula si Ibañez sa Bulacan Kuyas kung saan siya ang second leading scorer na may averages na 14.9 points, 3.2 rebounds, 3.7 assists, at 1.8 steals.

Makakapalitan niya ngayon sa loob ng court sina LJAy Gonzales, Judel Fuentes, Robin Roño, Thomas Torres, Xyrus Torres, Mon Abundo, at homegrown player Christopher “Topeng” Lagrama.

Magtatagal hanggang Hunyo 30 ang trade at inaasahan ng mga fan na makakukuha pa ng bigman ang Huskers na maaaring ipangtapat sa mga former Gilas bigs na sina Justine Baltazar ng Pampanga Giant Lanterns at Greg Slaughter ng Manila Stars.

Sa ngayon, number 1 pa rin ang Quezon sa south division na may record na 12-0 ngunit hindi pa nila nakakabangga ang powerhouse teams na defending champion Pampanga na may record na 13-1 at ang tinalo nila sa championship sa PSL na Nueva Ecija Rice Vanguards na may record din na 12-0.

Shawe Reyes

SHERWIN REYES reyesmsherwin@gmail.com 0945-576-2236

Pin It on Pinterest