News

59-anyos na lalaki, sugatan matapos saksakin ng sariling pamangkin sa Catanauan, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin umano ng sarili nitong pamangkin sa Catanauan, Quezon.

Kinilala ng Catanauan PNP ang biktima na si Arnulfo Bico Resurreccion, 59-anyos, residente ng Zone 3, Brgy. 10, sa naturang bayan.

Batay sa report ng pulisya, habang nag-aamok ang suspek na kinilalang si Nyzrrel Resurreccion, residente ng kaparehong lugar at mayroong dalang basag na bote nang lapitan umano ni Arnulfo upang awatin.

Subalit, dito na ito pinagsasaksak ng suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng tama ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensyang medikal.

Sa ngayon, nasa kustodiya na Catanauan Municipal Police Station ang suspek para sa karampatang kaparusahan.

Pin It on Pinterest