News

Ilang araw bago ang pagsalubong ng bagong taon, bentahan ng torotot sa Lucena City, matumal pa

Ilang araw bago ang bagong taon, kaliwa’t kanan na sa kabayanan ng Lucena City partikular sa paligid ng pampublikong pamilihan ang mga nagtitinda ng torotot na ginagamit bilang pampaingay sa pagsalubong sa bagong taon.

Pinaniniwalaan daw kasi na nakakapagtaboy ng malas kung maingay ang paligid sa pagsalubong o pagpalit ng taon, isa ang torotot na ginagamit ng mga Pilipino bilang alternatibong pampaingay, bukod daw kasi sa abot kaya ang halaga, ligtas gamitin kahit ng mga bata.

Kaya sabi ng ilang tindera, kung ikukumpara noong nakaraang taon, ilang araw bago magbagong taon, matumal ngayon ang bentahan. Sabi nila epekto daw ito ng labis na taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, bagkus na tototrot, pagkain raw ang inuunang bilhin ngayon ng marami.

Katunayan, magtatanghali na kanina, Dec. 29, ang ilang maninindahan nito halos wala pang benta o bumibili

Ang ilan nga inilalako na subalit halos wala paring bumibili.

Tumaas rin daw ang presyo nito ngayon kumpara noong nakaraang taon, may maliit naman na torotot na mabibili ng tatlo isang daan, 65 pesos naman ang presyong katamtaman ang laki na dati nasa 50 lang daw ang presyo.

Ang ilang nagtitinda bagamat hindi sigurado na sa mga susunod na araw o habang papalapit ang bagong taon ay magiging maganda ang bentahan, umaasa parin na tatangkilikin ito ng maraming parokyano, makabawi man lang daw kahit paano sa kanilang puhunan.

Pin It on Pinterest