6 na Lucenahin, wagi sa int’l jiu-jitsu tourney
Walang umuwing luhaan sa mga Lucenahin matapos manalo ang lahat ng pambato ng Kalilayan Jiu-Jutsu sa 2024 Marianas Open Internatinal Competition sa Guam, Okt.12
Humakot ng limang ginto, isang pilak, at isang tanso ang Lucenahin club na Kalilayan Jiu-Jitsu sa naturang kompetisyon.
Nanguna rito si Azthasia Salvadora na mayroong double gold medal sa blue belt division at absolute category.
Wagi rin ng ginto sina Alexikaye Peña sa White Juvenile Feather; Aliyah Jorgina Salamillas sa Grey Pre Teen Light, , at Maeko Peña sa White Teen Feather.
Pilak pilak at tanso naman napanalunan nina Aleina Bella Salamillas at Joshua Marquez para sa Grey Junior Teen Feather at Grey Pre Teen Middle.
Matapos magtagumpay sa Marianas Open, tutungo naman ang koponan sa Greece sa Oktubre 25 para muling irepresenta ang Pilipinas sa jiu-jitsu international competition.

