NewsSports

Huskers, pasok na sa division semis ng MPBL

Winalis ng top seed Quezon Huskers ang serye sa unang round ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Playoffs kontra sa top eight na Negros Muscovados.


Hindi na hinayaan ng Huskers na magkaroon pa ng Game 3 mapos tambakan ang Muscovados sa iskor na 94-66.


Nagpakitang gilas ang mga role players ng Huskers na sina RJ Minerva, Al Francis Tamsi, at Robin Roño na nagtala ng mga double digit points na 16, 15, at 15 ayon sa pagkakasunod sa kabila ng maalat na laro ng mga starters na sina LJay Gonzales at Judel Fuentes na walang narehistrong puntos.


Lumamang pa ang Muscovados nang matapos ang first quarter, 21-16 dahil sa mga three-pointers ni John Rey Villanueva at matinding depensa ni Renz Palma.


Pagsapit ng ikalawang yugto, dito na nag-init ang Huskers sa pangunguna nina Minerva, Tami, at Roño. Nagbaon sila ng 13 puntos kalamangan matapos ang first half.


Sinubukan pang humabol ng Muscovados sa kalagitnaan ng 3rd quarter ngunit nagka-foul trouble si Palma na nagsimula sa pagkasira ng kanilang laro at tuluyan nang lumubo ang kalamangan hanggang sa pagtatapos ng laban.


Matagal makakapahinga ang Huskers at hihintayin pa kung sino ang mananalo sa do-or-die game ng Paranaque Patriots at Zamboanga Master Sardines sa darating na Oktubre 21.


Makatutunggali ng Quezon sa best-of-three series ng south division semifinals kung sino ang mananalo sa dalawang koponan.

Pin It on Pinterest