News

64-anyos na lalaki, patay matapos makagat ng baboy-ramo sa Dolores, Quezon

Patay ang isang magsasakang lolo matapos na salakayin ng baboy-ramo sa bayan ng Dolores, Quezon nitong Martes, February 14.

Kinilala ng Dolores PNP ang biktima na si Ricardo Mendoza, 64-anyos at residente ng Brgy. Manggahan sa naturang bayan.

Natagpuang patay ng isang indibidwal na dumaraan sa isang madamong bahagi ng nasabing lugar ang katawan ng biktima dakong alas 5:30 ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagtamo ang biktima ng kagat nang baboy-ramo sa itaas na bahagi ng kanyang kanan na hita.

Sinabi ng mga doktor na maaaring namatay si Mendoza dahil sa pagkawala ng dugo dulot ng kagat ng hayop.

Ang bangkay ni Mendoza ay inilipat sa isang punerarya para sa post-mortem examination.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Pin It on Pinterest