Labi ng Pinay na nasawi sa Lindol sa Turkey, naiuwi na sa Lucena City
Dumating na sa Lucena City ang labi ni Wilma Abulad Tezcan ang isa sa Pinoy na nasawi sa lindol sa Turkey.
Ayon sa mga kaanak ni Wilma alas dose ng madaling araw February 16, 2023 ng dumating sa lungsod ang labi nito na idiniretso sa isang punerarya upang ayusin ang katawan para sa kanyang burol.
Hapon ngayong araw ay inaasahang maiuuwi na sa tahanan ng kanyang magulang sa Barangay Ilayang Dupay si Wilma.
Labis man ang kalungkutan ng kanyang ina na si Lea Abulad, kahit paano raw nabawasan ng bahagya ang kanilang pighagti sa pagtading ng labi ng kanyang anak upang masilayan sa huling pagkakataon ng pamilya at mga kaibigan.
“Dahil nakuwi na sya ang mahalaga ay nakauwi na sya maiayos ang kanyang libing” sabi ni Lea Abulad.
Nitong nakaraang Disyembre lamang ng huling umuwi si Wilma sa kanilang tahanan, labis ang sakit ng ina nito, ilang buwan lamang ang nakakalipas babalik ang kanyang anak ng wala ng buhay.
Tanging masasayang alaala nalang ang kayang binabalikan.
Pasado alas 11: 00 ng umaga kanina, inihahanda ng ilang kaanak ang lugar kung saan ito ibuburol at ang ilang taga barangay sa labas ng bahay nagtayo na ng tent at naglagay na ng mga bangko para sa mga makikiramay.
Ilang malalapit na kamag anak na mula sa Metro Manila ang umuwi na sa Lucena City upang makidalamhati.
Matulungin kung ilawaran nila si Wilma.
Alas 6:00 ng gabi ng Feb. 15, ng dumating ang labi ni Wilma sa NAIA sakay ng Turkish Airline, kasama ni Wilma na dumating sa bansa ang anak nito, sinalubong sila ng ama ni Wilma kasama ng ilang kaanak.
Sabi ng ina ni Wilma, uuwin rin sa Lucena City ngayong araw o bukas ang asawa nitong Turkish National.