9 na baka at 5 kalabaw, ipinagkaloob sa bayan ng Gumaca
Kamakailan ay ipinagkaloob ang 9 na baka at 5 kalabaw sa mga nag-aalaga ng hayop mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Gumaca, Quezon.
Ito ay mula sa ilalim ng Livelihood Program ng Municipal Agriculturist Office sa nasabing bayan.
Isinagawa ito sa Slaughterhouse sa Brgy. Mabini, Gumaca, Quezon sa patnubay ni MAO Officer-In-Charge Swendy Elejerio.
Dinaluhan ito ni Mayor Webster D. Letargo, Vice Mayor Rico J. Bañal, Konsehal Pido Veluz, GJ, Ylagan, at Gilbert Amier, at ilang mga kapitan at kagawad mula sa iba’t ibang barangay.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap dahil anila malaki ang maitutulong nito sa pagpapalago at pagpaparami ng kanilang mga alagang hayop.
Hangad naman ng Alkalde ng nasabing bayan na mapadami pa nila ang mga ito upang makatulong na maiangat ang antas ng kanilang buhay.