News

Kick-off ng ARIS bulilit sa kaligtasan, isinagawa sa Mulanay, Quezon

Inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Mulanay, Quezon sa pamamagitan ng MDRRMO Mulanay ang “ARIS” o Alerto, Responsable, Iniidolo at Sama-samang Bulilit sa Kaligtasan Kick-off sa naturang bayan nitong Martes, January 10.

Isinagawa ang naturang kick-off sa Day Care Center ng Buhay na Tubig CDC at Ilayang Yuni Central CDC.

Layunin nito na sanayin ang mga mag aaral ng CDC at maging ang mga magulang nila kaugnay sa kahandaan at pagtugon sa panahon ng sakuna partikular sa lindol.

Isasagawa rin daw ng Mulanay LGU sa ibang CDC mula sa 28 na barangay ang nasabing gawain.

Pin It on Pinterest