News

Ordinansa na nag-aatas na magtanim ng puno ang mga mag-aaral sa Gumaca, aprubado na

Lusot na sa ikalawa at pinal na pagbasa sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang isang ordinansa sa Bayan ng Gumaca na nag-aatas sa lahat ng mga graduating student sa naturang Munisipalidad na magtanim ng punong kahoy.

Bago pa man pagtibayin ito sa plenaryo ng Sanggunaing Panlalawigan, ayon kay 1st District Board Member Claro Tagala Jr. na siyang pinuno ng komitiba ng Karunungan ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang kautusang bayan blg. 9-2023 ng Munisipalidad ng Gumaca na may pamagat na ‘’Kautusang Bayan na nag-aatas sa lahat ng mga mag-aaral na magsisipagtapos sa bayang nabanggit kailangan magtanim ng hindi bababa sa isang punong kahoy at kinaakilangan gawin bago sila makapag-tapos ng pag-aaral ay dumaan sa komitibang pagdinig at wala naman daw silang paglabag sa batas.

Dahil dito umaga ng May 3, 2023 sa Regular na Session ng SP Quezon unanimously approved ang ordinansa, wala ng ni-isa mang Board Member ang tumutol sa pagpapatupad nito sa Bayan ng Gumaca.

Saklaw ng ordinansa ang mga magsisipagtapos ng Elementarya, Sekondarya, Kolehiyo at maging ang mga mag-aaral na sa ilalim ng Alternative Learning System.

Pin It on Pinterest