Pickleball players ng Quezon, humakot ng medalya sa national championship
Humakot ng medalya sa pickleball ang mga manlalaro ng lalawigan ng Quezon sa idinaos na National Championship sa Cagayan, Agosto 20-23.
Wagi ng gintong medalya s kani-kanilang kategorya ang mga pickleball player mula sa Iñigos Pickleball Club na sina Michael Yasay at Angie-Lyn Oreste sa 35+ category, Maria Isabela Jardeleza at Juzzane Valderamos sa 19+ Women’s Doubles Category; Mhela Grace Bajar, Aaliyah Kaye Julao, Kyrz Bunyag, at Jay Papa para sa Team Category.
Hindi rin nagpahuli ang si Eric Elardo na mula naman sa Zoleta Tennis Club na nakasungkit ng gintong medalya para naman sa Men’s Single 50+ Category.
Dagdag din sa medal haul nina Oreste ang silver para sa womens single, Yasay na may bronze din sa singles men, Tabernilla at Fernandez na naka-bronze din sa mixed doubles.
Nag-ambag din ng pilak na medalya si Maria Isabela Jardeleza para sa 19+ womens single, habang may tansong medalya sina Monica Bañares ng pilak na medalya sa single at doubles women category, Daryl Pabularcon sa doubles women.
Ayon kay Valderamos na isa sa mga gold medalist, dalawang buwan nilang pinaghandaan ang torneyo na nakapaloob ang club tournament, qualifying tournament, at dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo na regular plays.
Samantala, inaaasahan naman ni Allan Arquiza, manager at owner ng Iñigos Sports Center na magkakaroon ng Pickleball International Competition kung saan magiging bahagi sila ng national team at irerepresenta hindi na lamang ang Quezon kundi maging ang Pilipinas