P2-M halaga ng interbensyon, ipinamahagi sa mga magsasaka ng cacao at niyog sa Quezon
Aabot sa dalawang milyong pisong halaga ng interbensyon ang natanggap ng mga magkakakaw at magniniyog sa bayan ng Macalelon, Quezon mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) at sa ilalim ng programang Coconut Farmers Industry Development Plan (CFIDP) ng Philippine Coconut Authority (PCA) nitong Martes.
Ipinagkaloob sa Samahan ng Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan (SICAP)-Macalelon ang tig-iisang yunit ng cacao bean storage, fermentation facility, pump irrigation system from open source at greenhouse type solar dryer.
Samantala, naipamahagi sa Macalelon Cacao-Coconut farmers ang 80 bags ng controlled fertilizer at 29 piraso ng pruning shears.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kawani ng DA-4A sa pangunguna nina Quezon Agricultural Program Coordinating Officer Eduardo Lalas at High Value Crops Development Program-Cacao Focal Person Maria Ana Balmes, kasama ang mga pinuno at representante ng PCA, lokal na pamahalaan ng bayan ng Macalelon at probinsya ng Quezon.