Agriculture group sa Atimonan, ipinakita ang pakinabang ng tanglad
Ang samahan ng Municipal Association of Herbal Agriculturist for Livelihood (MAHAL) sa bayan ng Atimonan ay nagsagawa ng “Extraction of Essential Oil mula sa Lemongrass o “Tanglad”sa Quezon Agricultural Demo Farm sa Brgy. Ikirin Pagbilao, Quezon.
Katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Pedro B. Gariguez Jr. – Municipal Agriculturist, Crops Sectoral Head Rowena Nanon Altovar, High Value Crops Staff Christine Jane Alva at Agri-fishery Marketing Assistant Keziah Villegas Bonggay.
Ang Essential Oil na nakuha mula sa Tanglad ay gagamitin para sa mga existing product tulad ng Car diffuser at Massage Oil.
Mayroon ding na-produce ang kanilang samahan ng Lemongrass “Hydrosol” na kung saan ito raw ay mayroong health benefits.
Ang hydrosol ay mga produktong water-based na ginawa mula sa distillation ng mga sariwang bulaklak, dahon, prutas, at iba pang materyal ng halaman na kadalasang ginagamit sa skin care, hair care, facial toners at aromatherapy.
Habang ang tanglad na pinakuluan o naging waste product ay gagamitin naman sa paggagawa ng mga iba’t ibang by-products tulad ng Therapeutic pillow at Handicrafts upang walang maging tapon o walang sayang sa pagproproseso.
Ang aktibidad na ito ng Sektor ng Pangsakahan ay lubos na sinusuportahan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor at ng buong lokal na pamahalaan ng Atimonan upang mapapaunlad at kikita ang isang samahang pang-agrikultura gaya ng Municipal Association of Herbal Agriculturist for Livelihood (MAHAL) sa bayan ng Atimonan.